Programa sa Budget Billing
(Pagsingil nang nasa Badyet)

TUNGKOL SA BUDGET BILLING

Isang libreng programa ang Budget Billing na magagamit ng mga kostumer ng CleanPowerSF na kasali na sa budget billing ng PG&E. Sa Budget Billing, ang nakonsumo ninyo sa enerhiya sa nakaraang huling 12 buwan ay ginagawan ng average para makatukoy ng iisang halaga para sa buwanang budget bill. Puwede magbago ang budget bill nang hanggang 3 beses kung nagbabago nang malaki ang pagkonsumo ninyo ng enerhiya. Samantalang hindi programa ng diskuwento ang Budget Billing, nagbibigay ito ng mas hindi lumalayo sa inaasahang taas ng singil sa koryente kada buwan.

Ang pagpapatala ay simple, tawagan kami ngayon sa (415) 554-0773 o punan ang form sa ibaba.

Mangyaring ihanda ang iyong numero ng account sa PG&E.

KUNG SINO ANG MAKAKASALI

Puwedeng magpalista ang mga kostumer ng CleanPowerSF sa BudgetBilling kung:

  • Kasali kayo sa Budget Billing ng PG&E.

  • May hindi bababa sa 3 buwan na kayong serbisyo sa koryente sa inyong kasalukuyang tahanan o negosyo.

  • Isa kayong residente o maliit na negosyo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa at pagpapa-enroll sa Budget Billing ng PG&E, mangyaring bisitahin ang kanilang pahina sa Budget Billing dito.

MAKAKANSELA KO BA KAHIT ANONG ORAS ANG BUDGET BILLING?

Oo. Sa oras ng kanselasyon, sisingilin o makekredit kayo para sa natitira pang halaga ng singil.

PUWEDE BANG MAGBAGO ANG HALAGA NG AKING BUWANANG BUDGET BILL?

Oo, gagamit kayo ng mas marami o mas kaunting enerhiya kaysa sa inyong average na halaga kaysa sa halaga ng buwanang budget bill na babaguhin para maipakita nito nang mas mabuti ang inyong nakonsumong enerhiya. Mababago ang halaga ng inyong budget bill nang hindi lalagpas sa 3 beses sa isang taon.

MAKASASALI BA AKO SA SUPERGREEN 100% RENEWABLE ENERGY BILANG KOSTUMER NG BUDGET BILLING?

Oo, makakasali kayo sa SuperGreen at makaka-enroll sa Budget Billing. Kung magpapalista kayo sa SuperGreen habang kasali sa Budget Billing, puwedeng tumaas nang kaunti ang halaga ng inyong buwanang singil dahil sa halaga ng hulog (premium) sa SuperGreen.

NAGPALISTA NA AKO SA BUDGET BILLING, KAILAN ITO LILITAW SA AKING SINGILIN?

Pagkatapos magpa-enroll, magkakabisa ang budget billing sa susunod na siklo ng paniningil.

MAKAKASALI PA BA AKO SA CARE, FERA, AT MEDICAL BASELINE BILANG KOSTUMER NG BUDGET BILLING?

Oo, hindi makaaapekto ang pagsali sa Budget Billing sa kakayahan ninyo na sumali sa CARE, FERA. o Medical Baseline.