Mas Mahusay na Enerhiya para sa mas Magandang Kinabukasan

Ang CleanPowerSF ay not-for-profit na programang pinatatakbo ng San Francisco Public Utilities Commission, at nagkakaloob ito ng higit pang renewable o hindi nauubos na enerhiya para sa San Francisco. Bilang kostumer ng CleanPowerSF, makatutulong kayo sa pagbabawas ng carbon footprint (dami ng enerhiyang ginagamit o basurang itinatapon) ng ating Lungsod at sa paglaban sa pagbabago ng klima.  


Mga Singil ng CleanPowerSF

Mga Singil na Maikukumpara sa Iba. Mga Benepisyo na Walang Katumbas.

Naniniwala kaming ang lahat ng San Franciscan ay dapat na may access sa abot-kaya at malinis na kuryente. Kaya namin sine-set ang mga singil namin nang isinasaalang-alang ang customer—palagi.

Bilang customer namin, hindi lang ito tungkol sa pagbabayad ng inyong bayarin sa kuryente para sa ilaw o paglalaba.

Sa pamamagitan ng pagpili sa CleanPowerSF, tumutulong kayong:

  • Pabilisin ang transisyon ng San Francisco patungo sa mas malilinis na pinagmumulan ng enerhiya, tulad ng hangin at solar

  • Labanan ang climate change sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga proyekto ng clean energy sa Bay Area at California

  • Bawasan ang maduduming emission ng greenhouse gas na nakakasama sa inyo at sa kalusugun ng inyong pamilya

  • Suportahan ang isang lokal na not-for-profit na programang naninindigan sa enerhiyang nakatuon sa komunidad at pinangangasiwaan ng publiko, hindi ng mga corporate shareholder

Dito kami naiiba sa ibang mga provider ng kuryente.

Ipinagmamalaki namin ang paglilingkod sa mahigit 380,000 customer sa San Francisco. Salamat sa pagiging isa sa kanila.

Tingnan Ang Aming Mga Singil.


Kung Paano Ito Isinasagawa

Bago ang CleanPowerSF, awtomatikong naka-enroll sa serbisyo para sa koryente ng PG&E ang karamihan sa mga taga-San Francisco. Kinokontrol ng PG&E kung saan at kung paano nakukuha ang koryente. Ngayon, binibigyan kayo ng CleanPowerSF ng kapangyarihan na pumili ng mas renewable na enerhiya mula sa mga pinagkukunan gaya ng araw (solar) at hangin. inihahatid pa rin ng PG&E. Inihahatid pa rin ng PG&E ang mas malinis na enerhiyang iyon. 

HowIt Works copy.png

Malinis Na Pinagmumulan

Bumibili ang CleanPowerSF ng mas malinis o maka-kalikasan na koryente.

Parehong Serbisyo

Naghahatid ang PG&E ng enerhiya at nangangasiwa sa paniningil.

Mas Luntian At Maka-Kalikasang Ikaw

Makakukuha ka ng lokal na investment at mas mababang singil.


Mas Malinis na Enerhiya sa Mababa at Hindi Nagbabago-bagong Singil 

Naghahandog ang CleanPowerSF ng mas malinis na koryente na sa pangkalahatan ay mas mababa ang halaga kaysa sa PG&E. Ikumpara ang singil ng CleanPowerSF sa singil ng PG&E sa cleanpowersf.org/rates.

 
Philipino_chart.jpg
 

Ikaw ang May Kapangyarihang Pumili

Magiging awtomatikong naka-enroll sa CleanPowerSF ang mga kostumer ng PG&E sa San Francisco pagdating ng 2019.

Naghahandog ang CleanPowerSF ng dalawang mapagpipilian para sa mas malinis na koryente:


Green

50% Renewable

Awtomatikong makatatanggap ang mga Green na kostumer ng higit pang renewable na enerhiya sa mas mababang singil. 

 

Label ng Content ng Produkto

Inaatasan ang CleanPowerSF na magpadala sa mga customer ng “Label ng Content ng Produkto” bawat taon. Inihahambing ng Label ng Content ng Produkto ang mix ng enerhiya ng aming opsyong Green at SuperGreen na serbisyo sa average na mix ng enerhiya ng estado. Matatanggap ng mga customer ang Label ng Content ng Produkto sa pamamagitan ng koreo o email.


SuperGreen

100% Renewable

Mag-upgrade sa 100% renewable na enerhiya para sa karagdagang ilang dolyar lamang sa bawat buwan.

 
Green-e.jpg

Ang SuperGreen 100% renewable na enerhiya ng CleanPowerSF ay sertipikadong Green-e Energy, at tumutugon ito sa mga pamantayan sa pagprotekta sa kapaligiran at sa konsumer na itinakda ng nonprofit na Center for Resource Solutions. Dagdagan ang kaalaman tungkol dito sa green-e.org.


Hindi mo ba gusto ng mas malinis na enerhiya sa mura at hindi nagbabago-bagong singil? Puwede ka ring mag-opt out o huwag nang sumali sa CleanPowerSF sa anumang oras pagkatapos mong matanggap ang abiso mula sa amin na naka-iskedyul na para sa pagpapa-enroll ang iyong account.

 
Unknown.jpeg

Hindi mo ba gusto ng mas malinis na enerhiya sa mura at hindi nagbabago-bagong singil? Puwede ka ring mag-opt out o huwag nang sumali sa CleanPowerSF sa anumang oras pagkatapos mong matanggap ang abiso mula sa amin na naka-iskedyul na para sa pagpapa-enroll ang iyong account. Kuwalipikado pa rin ang mga kostumer ng CleanPowerSF para sa mga diskuwento ng CARE, FERA at Medical Baseline. 

 
SolarPanels.jpg

May mga solar panel ka ba sa iyong bubong? Naghahandog ang CleanPowerSF ng malalaking pakinabang para sa mga kostumer ng Net Energy Metering (NEM)! Bisitahin ang cleanpowersf.org/solar para sa iba pang detalye.


Komunidad bago ang Kita

Bahagi ang CleanPowerSF ng lumalaking kilusan sa California na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga lokal na komunidad na piliin ang kinabukasan kung saan mas malinis o maka-kalikasan ang enerhiya. Sa pamamagitan ng CleanPowerSF, muling ii-invest ang mga pondo ng tagabayad ng singil sa lokal na bagong imprastraktura para sa malinis na enerhiya, at lilikha ito ng mga trabaho at magpapatatag sa presyo ng enerhiya. Mahalagang bahagi ito ng plano ng Lungsod na magtayo ng sustainable na kinabukasan para sa ating komunidad.   


SFPUC—Ang Pampublikong Serbisyo ng San Francisco para sa Malinis na Enerhiya

Isang daang (100) taon nang nagkakaloob ang San Francisco Public Utilities Commission (SFPUC) sa San Francisco ng hydroelectric na enerhiya na 100% walang greenhouse gas at mula sa Hetch Hetchy Power System. Pinatatakbo ang CleanPowerSF ng parehong mga eksperto sa malinis na enerhiya. Ang SFPUC din ang naghahatid ng iyong napakasarap na Hetch Hetchy na Tubig sa Gripo at nagpapatakbo ng Pinagsamang Sistema ng mga Imburnal (Combined Sewer System) ng San Francisco, na tumanggap na ng mga parangal.

May pananagutan ang CleanPowerSF sa pagprotekta sa pagkapribado ng impormasyon ng kostumer.

Pagiging Kompidensiyal ng Impormasyon Tungkol sa Kostumer

Mga Pinagkakasunduan at Kondisyon para sa Pagkakaroon ng Serbisyo