Gumamit ng 100% Renewable na Enerhiya sa Iyong Tahanan o Negosyo

Labanan ang pagbabago ng klima at tulungan ang komunidad mo sa San Francisco sa pamamagitan ng pag-upgrade sa aming 100% renewable na enerhiya sa serbisyong SuperGreen. Sinusuportahan ng mga customer ng SuperGreen ang mga bagong imprastruktura na gumagamit ng clean na enerhiya, mga green job (mga trabahong nakakatulong sa kapaligiran), at pag-reinvest sa komunidad.

Ang maganda pa rito? Mas mura na ngayon mag-upgrade. Para sa average na single-family home, $3 lang ang dagdag sa SuperGreen bawat buwan. Para sa average na maliit na negosyo, iyon ay dagdag na $15 bawat buwan.

Posibleng magmistulang mahirap ang paglipat sa 100% renewable na enerhiya sa serbisyong SuperGreen—pero sa tulong namin, napakadali lang nito. Kunin lang ang iyong bill sa CleanPowerSF/PG&E para sa impormasyon ng iyong account at i-click ang link sa ibaba para magsimula.


“Ipinagmamalaki ng Veritable Vegetable na makibahagi sa...serbisyong SuperGreen ng CleanPowerSF. Bilang kumpanyang may prinsipyo, gusto naming makatulong sa pagiging sustainable ng kapaligiran sa bawat aspeto ng aming negosyo.”

— Mary Jane Evans, CEO, Veritable Vegetable

Mga Negosyo sa CleanPower

Kung isa kang negosyo sa San Francisco at pinag-iisipan mong magkaroon ng 100% renewable na enerhiya, hindi ka lang basta nakakatulong. Ginagawa mo ang mga sumusunod:

  • Ipinapakita mo sa mga customer at empleyado na may pagpapahalaga ka sa klima

  • Kumikilos ka tungo sa mas green na San Francisco

  • Nagsisilbi kang lider sa industriya para sa mga sustainable na negosyo

Makipag-ugnayan sa amin para sa libreng konsultasyon at para malaman kung bakit ang paglipat sa serbisyong SuperGreen ng CleanPowerSF ang naaangkop na pagkilos para sa iyong negosyo. Bibigyan ka namin ng impormasyon sa rate, mga paghahambing ng gastusin, at alok sa programa para sa customer. Hindi na kami makapaghintay na makaugnayan ka!

Kilalanin ang ilang negosyo sa San Francisco na nag-upgrade na sa SuperGreen sa aming page na SuperGreen Spotlight.


Higit Pang Impormasyon

Ang aming Serbisyong SuperGreen ay sertipikado ng Green-e® Energy at nakakatugon sa mga pamantayan sa proteksyon ng kapaligiran at consumer na itinatakda ng nonprofit na Center for Resource Solutions. Matuto pa sa green-e.org.

  • Nagmumula ang renewable na enerhiya sa mga natural na source na tuluy-tuloy na napapalitan, gaya ng sikat ng araw o hangin. Ang mga source ng renewable na enerhiya ay hindi nagdudulot ng maruruming emisyon, na mapaminsala sa planeta at sa iyong kalusugan.

  • Ang SuperGreen ay ganap na pinapatakbo ng mga proyekto sa renewable na enerhiya (gaya ng araw at hangin) sa Bay Area at California. Tingnan ang aming “Label ng Content ng Produktong SuperGreen” sa itaas o ang aming mix ng enerhiya para sa aming mga customer sa SuperGreen.

  • Oo! Ikalulugod naming iproseso ang pag-upgrade mo sa SuperGreen sa pamamagitan ng telepono. Tawagan lang kami sa 415-554-0773 Lunes - Biyernes, 8 a.m. - 5 p.m.