Pagmamahal ang Nagtutulak na Lakas ng L'Amourette Chocolat, isang Kustomer ng CleanPowerSF
Kasabay ng papalapit na Araw ng mga Puso, may pag-ibig na dumarating... at gayundin ang matamis na aroma ng tsokolate.
Kung naghahanap ka ng matamis na pangregalo na magpaparamdam sa iyong mga mahal sa buhay na pinahahalagahan mo ngayong Araw ng mga Puso, huwag nang maghanap pa kundi ang L'Amourette Chocolat , isang maipagmamalaking customer ng CleanPowerSF. Mayroong para sa lahat – mula sa chocolate bars hanggang sa truffles, toffee at marami pang iba – hindi magiging mahirap ang paghahanap ng perpektong regalo para sa Araw ng mga Puso dito!
Kapag tumapak ka sa L'Amourette Chocolat sa Fillmore Street, malinaw na ang pag-ibig ang sentro ng kanilang kwento. Mula sa mga gawang-kamay na truffle at bonbon hanggang sa mga hanay ng chocolate bar na pinalamutian ng mga packaging na istilong art nouveau at mga iconic na painting ng arkitektura at mural ng San Francisco – higit pa sa tsokolate ang nagaganap sa L'Amourette.
"Tungkol ito sa pagmamahal sa paggawa ng tsokolate, kaligayahan, nostalgia, at sining na siyang tunay na nagpapatangi sa L'Amourette Chocolat."
- Andre V, kapwa may-ari, L'Amourette Chocolat -
Isang Kaunting Pag-ibig
Ang L'Amourette ay isinasalin bilang "isang maliit na pag-iibigan," isang dobleng kahulugan para sa pagmamahal sa paggawa ng tsokolate at sa pinagmulan ng negosyo. Nagsisimula ang kwento noong si Andre ay isang batang tsokolatedor: umibig siya sa isang babaeng nagngangalang Roxanne, ngunit hindi nito ginantihan ang kanyang nararamdaman.
Kaya, nagsimula siyang gumawa ng tsokolate na makakaakit sa kanya. Dahil sa inspirasyon mula sa mga elixir at love potion, gumugol siya ng ilang linggo sa pag-aayos at pagperpekto ng kanyang recipe. Gumawa siya ng isang bareta ng tsokolate, bumili ng isang bouquet ng mga bulaklak, at niyaya itong pakasalan siya. Pagkatapos lamang ng isang subo ng tsokolate, pumayag na ang babae! Masaya ang kanilang pagsasama simula noon.
Gamit ang resipe na ito, ibinubuhos nina Andre at Roxanne ang pagmamahal sa kanilang negosyo ng tsokolate simula pa noong 2011. Binuksan nila ang kanilang pangunahing tindahan sa kapitbahayan ng Pacific Heights halos dalawang taon na ang nakalilipas. Ginugugol ng dalawa ang umaga sa paggawa ng tsokolate sa kanilang pabrika sa San Francisco, at ang natitirang bahagi ng kanilang araw ay ginugugol sa lila at rosas na tindahan.
Paggawa ng Pagmamahal
Ang paggawa ng tsokolate gamit ang kamay ay tunay na isang gawaing puno ng pagmamahal. Inaangkat ni Andre ang mga butil ng cacao mula sa Gitnang at Timog Amerika mula sa isang negosyong pag-aari ng pamilya. Bawat taon, nagpapadala sila sa kanya ng iba't ibang uri ng butil at pinipili niya ang mga butil na may pinakamagandang lasa. Maingat niyang pinipili ang bawat butil bago magsimula ang proseso ng paggawa ng tsokolate: inihaw ang butil, inaalis ang balat, ginagawang nibs ang mga butil, pinipino ang tsokolate, at panghuli, ini-conched ang tsokolate, na lumilikha ng makinis na tekstura at masarap na lasa, sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.
Nang tanungin tungkol sa mga pinahahalagahan ng L'Amourette Chocolat, sumagot si Andre:
"Una ang kalidad: ang lasa, linamnam, at tekstura ng tsokolate ay lubhang mahalaga sa amin."
- Andre V, kapwa may-ari, L'Amourette Chocolat -
Walang mga preservative o high fructose corn syrup sa alinman sa kanilang mga tsokolate; gumagamit lamang sila ng pinakamahuhusay na lokal na sangkap. Tuwing Sabado at Linggo, pumupunta sina Andre at Roxanne sa palengke ng mga magsasaka upang bumili ng mga dalandan at pomelo para sa ilang citrusy chocolate bars nila. Lahat ng kanilang mga tsokolate ay kosher, at marami sa kanilang mga tsokolate ay natural na vegan.
Halina't bisitahin ang lokal na negosyong ito na pinapagana ng clean energy mix ng CleanPowerSF! Mayroon silang mga kakaibang lasa, tulad ng passionfruit bonbons, spicy Mayan truffles, at tahini halvah chocolate bars, na siguradong babagay sa panlasa mo ngayong Araw ng mga Puso.