Balita
Mga pangyayari at kwentong humuhubog sa nababagong kinabukasan
Tinupad ng CleanPowerSF ang Pangakong Mamuhunan sa mga Proyekto ng Renewable Energy Gamit ang mga Bagong Pagpapaunlad sa Hangin at Solar
Bilang pagtupad sa pangakong mamuhunan sa mga bagong proyekto ng renewable energy, pumirma ang CleanPowerSF ng ilang multi-year deal upang magtayo ng mga bagong proyekto sa wind at solar na lilikha ng mahigit 600 bagong trabaho at titiyak ng malinis, ligtas, at maaasahang supply ng renewable power sa mga customer sa susunod na ilang dekada.
Mas Malinis at Mas Luntiang Elektrisidad, Paparating sa mga Negosyo sa SF Ngayong Tag-init
Magsisimulang makatanggap ang mga negosyo sa San Francisco ng mas malinis at mas luntiang kuryente ngayong tag-init bilang bahagi ng susunod na malawakang pagpapatala ng sikat na programa ng Lungsod para sa enerhiyang mapagpipilian ng komunidad na tinatawag na CleanPowerSF. Sa Hulyo 1, awtomatikong itatala ng San Francisco Public Utilities Commission (SFPUC) ang mga kwalipikadong kostumer ng komersyal na kuryente sa buong lungsod sa programa, na magbibigay sa mga kostumer ng hindi bababa sa 43% na renewable energy mula sa mga mapagkukunan tulad ng hangin, solar, at geothermal.
Nag-aalok ang SFPUC ng Tatlong Paraan para Labanan ng mga Residente at Negosyo sa SF ang Pagbabago ng Klima Ngayong Araw ng Daigdig
Ngayong taon, ipagdiriwang ng San Francisco Public Utilities Commission (SFPUC) ang Araw ng Daigdig sa pamamagitan ng pagsali sa Earth Day Festival sa Sabado, Abril 21 sa Civic Center Plaza mula 11:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi at pagbabahagi kung paano makilahok ang mga residente at negosyo ng San Francisco sa iba't ibang programa ng SFPUC na naglalayong labanan ang pagbabago ng klima.